Pinakapaborito kong
musika ay ang Back to December ni Taylor
Swift dahil maganda ang mensahe ng kantang ito kahit na hindi pa ako umiibig ay
niintindihan at nauunawan ko ang nais iparating ng kantang ito. Mga linyang
tagos sa puso ng kahit sino mang kumanta o umawit nito.
Gaya nalang ng
linyang ito “This is me swallowing my pride standing in front of you saying I’m
sorry for that night” ito yung mga taong kayang ibigay ang lahat maging masaya lang kauyong
dalawa, kayanf itaya maging ang pride niya para lang sayo. Sobrang hirap man
pero may tao talagang ginagawa ito. Hindi ko nga lubos na maisip na may mga
taong nakakayanan pala ang ganoong sitwasyon, napakatatag nila.
Pero pinaka
tumagos sa puso ko ang linyang “And I’ll go back to December all the time” na
para bang sinasabing gusto niyang balikan lahat ng ala-ala niyong dalawa.
Balikan ang mga pangyayari, pagkakataon at panahong kayong dalawa pa, at ibalik
yung mga oras na sana naayos at naisalba pa yung relasyon niyong dalawa.
Maaring hindi pa
nga ako dumaranas ng tiantawag nilang PAG-IBIG, hindi ibig sabihin noon at
hindi ko na mauunawaan at maiintindihan ang mga kantang may pinanghuhugutan at
may pinagdaraanan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento