Ano nga bang mga ginagawa ko noon na ginagawa ko hanggang ngayon? Siguro una sa lahat, ang mag-laro ng larong kalye kasama ang mga bata. Masarap kasing balikan ang pagkabata lalo na kapag kasama mo ang iba mo pang kaibigan mula noon hanggang ngayon. Minsan kapag may oras kami, naglalaan kami ng panahon para makipag-laro sa iba kagaya nalang ng patintero, piko, sipaang bola, taguang lata at iba pa. Lalo na kapag nakikita mong hindi lang ikaw yung nag-eenjoy, maging sila at nasisiyahan sa mga ginawa niyo.
Pangalawa, siguro ang pagsasayaw. Mula noong grade 3 palang ako sumasayaw na ako. Kahit anong tugtog basta kembot lang may premyo naman. Kapag may mga dance showdown sa amin tuwing Christmas party ay hindi ako nawawala dahil masayahing bata ako hanggang ngayon :) . Kaya tuwang-tuwa sila sa akin. Isa lang ito sa mga ginagawa ko noong bata pa hanggang sa ngayon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento