Kayo ba, anong
nararamdaman niyo habang papalapit na ang pasko? Ako kasi hindi pa rin
makapaniwala at saka sobrang natutuwa. Hindi ko kasi lubos na akalain na magpapasko
na naman, sobrang bilis ng panahon. Parang kahapon lang pasko tapos ngayon
pasko na ulit? Sobrang bilis talaga at hindi ko man lang iyon namamalayan. Tatanda
na rin pala ako, madadagdagan na naman ang edad ko. Sobrang bilis talaga,
maraming masasayang ala-ala ang nabuo ko kapag sumasapit ang araw ng pasko .
Natutuwa talaga ako lalo na sa palitan ng regalo, pagsasabi ng maligayang pasko
at ang pagkumpleto sa araw ng simbang gabi para lang matupad lahat ng mga
kahilingan mo kasama ang mga mahal mo sa buhay.
Ngayong
papalapit na ang pasko umaasa ako na sana maging masaya ang pasko ko. Simple
lang naman ang hinihiling ko sa kanya, ang bigyan niya ako at ang pamilya ko ng
masaya , masagana at panibagong taon. Gusto ko rin sana na makita o kaya naman
ay batiin ako ni Deon Montimor sa facebook sa araw ng pasko, pero syempre malabong mangyari iyon. Kaya biro lang talaga iyon. Advance Merry
Christmas sa lahat! Magdiwang mga bruhh!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento