Kung bibigyan ako ng pagkakataon na makapunta sa South Korea, sampu ang bagay na gagawin ko. Una, lilibutin ko ang buong Seoul, dahil sabi sakin ng tita ko maganda daw ang Seoul, kaya gusto kong subukan. Pangalawa, sa Namsan Tower, kahit ako lang mag-isa, okay lang sakin basta makarating lang ako doon. Pangatlo, gusto kong masubukan yung mga pagkain nila doon, kasi kahit daw sobrang anghang ng pagkain nila sobrang sarap naman daw. Pang-apat, magbibisikleta ako sa isang parke, kasi diba masarap at malamig ang hangin sa Korea. Ika-lima, ang kumuha ng mga litrato sa magagagandang tanawin, at sa cherry blossom na pangarap ko talagang makita, kukuha pako ng isang petal nito para remembrance. Pang-anim, ang png mapuntahan ang isang palasyo doon, tapos titignan ko kung gaano sya katatag na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin. Ika-pito, ang makapunta sa SMEnt, kasi wala lang. Para makita kung gaano ba kalaki ito at kung suwertihin ay makakita ng mga artista. Pangwalo, makita ang mga miyembro ng EXO, lalong-lalo na sina Baekhyun, Chanyeol, D.O at Suho. Pang-siyam, ay bumili ng orihinal na gamit ng EXO sa Seoul at ang pang-sampu ay ang mapanuod ang EXO ng live, yung nasa harapan mo sila habang nagpeperform sila. Kasi lahat naman ata ng KPOP fans, isa yun sa mga hinihiling eh, bukod kasi sa malayo ang Korea sa Pilipinas eh, madalang lang sila kung magconcert dito, kaya gusto kong makita kung gaano ba sila kahusay at kagaling sa larangan ng pagsayaw at pagawit. Ito ang sampung kahilingan ko kung makakapunta ako sa South Korea partikular na sa Seoul.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento