Linggo, Nobyembre 15, 2015

Bilang mag-aaral, Ano ba ang nais kong tahakin bilang tao?

           Ako, bilang isang mag-aaral, ang nais kong tahakin bilang isang tao? Siguro, gusto kong mapatunayan sa sarili ko kung gaano ba ako karelihiyoso? Kung gaano ko ba minamahal at inaapply lahat ng mga natutunan ko sa loob ng simbahan. Kung nagsisimba lang ba ako kasi kailangan o kasi gusto ko. Mahirap magsalita dahil di hamak na isa lamang akong bata. Pero kung tatanungin ako, gusto kong gawin ay: Syempre una, ang maglingkod sa panginoon, di ko kailangang magsimba linggo-linggo. A pray will do. Lagi akong magdadasal para sa sarili ko, sa pamilya ko at mga mahal ko sa buhay.
           Gusto kong maging mabuting tao, loob at labas. Hindi yung plastikan, yung totoo at walang halong biro o pagdududa. Isa pa, sabi ng papa ko, sundin ko daw ang mga utos ng Diyos, huwag daw akong gagawa ng mga bagay na ikasasama ng kapwa ko. Tumulong daw ako sa mga nangangailangan. Kaya ako bilang isang tao, at mag-aaral. Gusto kong maging mabuting tao habang nabubuhay ako dito sa lupa. AMEN? AMEN!!!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento